Jhay Ceja
http://http://bitsofemjhay.blogspot.com/
jhayceja@yahoo.com
BATIAN PORTION:
maraming maraming salamat uli sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng PAG-IBIG: Mapaglarong Tadhana
at sa mga nagcocomment. maraming salamat po, nakakainspire po
patuloy po nating suportahan lahat ng stories dito sa BOL
again, comments, suggestion and reactions are highly appreciated
salamat po ng marami...
much love, Jhay :)
-----------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan ay maaga akong nagising at tuwing papasok sa utak ko na may lunch ako kasama si Kris ay wala akong magawa kungi ang kiligin kaya naman tayo agad at ayos ng mga gamit, kinuha ko ang swerteng uniform ko, ang weird ko pero may ganun talaga ako meron akong swerteng uniform kumbaga kapag suot ko yun ay halos kaswertehan ang nangyayari sa buhay ko kumpleto pa nga ito: swerteng polo, swerteng undershirt, swerteng brief, swerteng panyo at halos lahat yun ay isusuot ko sa araw na iyon at pagkatapos ay nagshine naman ako ng sapatos ko, syempre ayoko mapahiya sa araw na yun na gusto ko maayos at presentable ako pag nakita niya ako.
Mga 9am ay ako nalang naiwan sa bahay kaya naman naligo narin ako, pagkatapos ay isinuot ko na ang aking mga swerteng damit at syempre nagpabango na rin. “sana naman mapansin mo na ako” ang sambit ko sa harapan ng salamin at siyang gora na na sa tambayan.
15minutes bago mag 11am ay andun na ako, hinihintay na dumating si Kris ngunit sumapit ang 11am ay walang kris na nagpakita. Ako pa naman kasi yung tipo na ayaw naghihintay, “okei, if by 11:15 wala ka pa, fine! Aalis na ako dito” ang asar na sinisigaw ng utak ko at dumating na nga ang palugit akmang palagad na ako at hindi pa nakakalayo ay narinig kong may sumigaw ng aking pangalan at bigla ko itong nilingon, si Kris, at ng tanawin ko ito habang papalapit sa akin ay unti unting natatabunan ang asar ng tuwa.
“Sorry late ako pero andito na ako before 11am palang” paliwanag ni kris na siya namang kita niya sa mukha ko ang hindi paniniwala. “okei , ganito kasi yun 10minutes akong umikot sa campus for parking ang daming sasakyan, hindi naman kita maitext kasi hindi ko alam number mo and cess didn’t reply sa mga text ko or even forward your number na lang.” dagdag nito.
“ah, ganun ba? Sige naniniwala na ako pero Cess is not coming, may family lunch ata sila” siya namang sagot ko.
“yeah, nasabihan niya ako kagabi. so Ano? Mageexplain na lang ba ako or kakain na tayo? At sabay iwan nito ng ngiti na siya lalong ikinakilig ko. naglakad kami papunta sa aming kakainan at syempre may kaunting usapan na naganap na everything under the sun ang naging topic kumabaga kung ano ano lang basta may mapagkwentuhan.
“dun tayo sa second floor mas okei ambience sa taas” ang paanyaya naman ni kris sa akin ng makarating kami sa kakainan namin at umakyat nga kami sa second floor kasama ang waiter na siyang naka assign sa amin at ayun pagkaupo ay order na agad. Habang naghihintay ng pagkain ay kwetuhan na naman kami to the max ng mapansin kong may isang grupo ng estudyante na schoolmate namin na nakatingin sa amin.
“Kris, kanina pa tayo tinitignan nung grupo sa likod schoolmate natin yung mga yun not sure kung anong course nila” ang siyang aking sambit kay kris.
Nilingon naman ito ni kris at nagsabing “hayaan mo sila kung ano gusto nilang isipin”
“kahit isipin nilang nagdadate tayo?” pagtatanong ko at sinagot niya naman ako ng isang ngiti yun bang
ngiti na parang pag nakita mo ay kikiligin ka at dagdag ng “edi ang swerte ko ang isa sa mga tinitingala at pinaguusapang topnotcher ng department namin, pumayag makipag date sa akin” at iwan ulit ng isang ngiti. Hindi ko ata maitago ang kilig sa sinabi niyang iyon at bigla akong nagblush kaya yumuko ako na siya namang biglang tawa nito.
“ito naman, para ka kasing siraulo bakit ganun ang sagot mo?” paguusisat ko naman
“wala kasi akong pakialam sa sinasabi nila basta andito tayo, kumakain, its up for them kung ano gusto nila isipin.” Sagot naman nito.
Maya maya ay dumating na ang inorder naming mga pagkain habang kumakain ay sige parin kami sa kwentuhan ng bigla itong magtanong,
“vince, don’t take this seriously kung ayaw mo sagutin huwag mong sagutin.” Sambit ni Kris
“ah ano ba yun?” siya namang pagtatanong ko sakanya
“are you bisexual? Kung sasagutin mo okei lang pero kung hindi ayos din” siya naman agad nitong tanong.
Bigla namang akong napakamot sa ulo at wika ng “Ahhh, Ehhh” sabay naman ngiti ni kris at iwan ng mga katagang, “sige, huwag mo na sagutin, alam ko na.” at iniwanan ko na rin siya ng ngiti.
Sa mga sandaling iyon ay naramdaman kong lalo ako tinataman sa taong nasa harapan ko, pinagmamasdan ko siya ng pasimple sa tuwing susubo ako ng pagkain at sa mga sandaling iyon ay kaligayahan lamang aking aking mga nadarama. Minsan ay nahuhuli ko rin siyang tumitingin sa akin at kung mahuhuli ko ito ay magngingitian na lamang kami.
Natapos ang pagkain at tumungo muna ako sa banyo, nag-ayos ng sarili mga ilang minuto rin akong nasa loob siguro ng banyo at pagkatapos ay bumalik narin sa kinauupuan namin. Pagkabalik ko sa upuan ay siya namang dating nung waiter at abot ng akala kong bill namin.
“Magkano lahat?” pagtatanong ko
“Okei na, my treat.” Siya naman ngiting sambit ni kris sa akin, “so let’s go? Para makapag yosi pa may 30minutes pa tayo.” Dagdag nito.
“daya mo naman, wala kaya sa usapan natin yun” sambit ko kay Kris habang palabas kami.
“remember, guys always pay on the first date.” Sambit nito at sige na nahinto ako at kinilig sa sinabi niya halos hindi ko maipinta ang tuwa na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon dahil tulad ng inaasam asam ko date na nga talaga iyon at sa bibig pa ni Kris nanggaling.
“Oh, di ka na ata nagsalita diyan” sabay abot ng sigarilyo sa akin
“ah, wala naman. Salamat sa treat, nabusog ako” siya naman aking palusot ngunit supalpal naman ako sa salita ni kris na “teka, kaya sinagot ko yung ngayon kasi I will expect another one for the coming days, that time ikaw naman ang may sagot.” Nginitian ko lamang siya at siyempre natuwa ako sa sinabi niyang another date.
Pagkatapos manigarilyo ay niyaya ko na siyang bumalik at siyempre habang naglalakad pabalik ng school ay bigla nama siyang nagpaalam sa akin kung…
“Vince, hatid kita mamaya pauwi ha?” siyang paanyaya niya sa akin.
Syempre kahit gusto ko ay hindi pala gusto, gustong gusto ko ay medyo pakipot muna ko, “Bakit naman? Baka matraffic at gabihin ka na pag-uwi sainyo pagnagkataon” siya namang pakipot na sagot ko.
“ayos lang, at diba gusto mo rin naman akong makilala ng lubusan? Kaya nga binigyan mo ako ng art paper nung retreat, kaya ito getting to know each other.” Sagot ni Kris, pumayag naman ako dahil ayon sa nakikita ko sa mukha niya ay seryoso naman ang mga salitang binibitawan nito at ayun naghiwalay na nga kami ng makarating sa building namin at napagkasunduang maghintay na lang ako sa tambayan.
Pagkapasok sa loob ay nakita ko agad si Cess syempre kunyari dramatic at kunyari galit kay Cess. “musta ang date?” pagtatanong ni Cess.
“Hini date yun, lunch lang. galit parin ako sayo hindi ka sumama.” Ang pakunwaring tampo na sambit ko kay Cess sabay lagay ng Bag sa upuan at umupo.
“umarte kang hayop ka! Natuwa ka pa nga at nasolo mo siya, hindi bagay pag-iinarte mo Vince” na sabay iwan nito ng tawa at syempre natawa narin ako
“ano ba, bakit ba hindi ako ganun kagaling mag emote!” sambit ko sakanya.
“kasi kitang kita sa mukha mo na nag-enjoy ka” pabulong na sambit nito.
Halos 15minutes na ang nakakalipas at wala paring professor na dumarating, patayo na ako sa aking silya ng biglang dating ng aming professor may meeting parin daw kasi sila at may activity na pinagawa sa amin at pagkatapos ay syempre sakin ipapasa dahil sa ako ang class representative. “Mam, pagkatapos ay pwede na umalis?” pagtatanong ng isa naming kamag-aral. “wait for my further instruction” na siya naman agad sagot ng aming professor at syempre dahil sa papel ito, lahat naman ay hingian sa may dalang yellow pad. Eh sorry naman kahit class representative ako nuknukan ako ng kulang ng gamit, kumabaga isa lagi ako sa mga nanghihingi ng papel, pulubi ika nga ng ibang professor.
Nang matapos ko ang activity na pinapagawa ay lumabas ako at tumungo sa CR upang maghilamos na din syempre para narin maaninagan ko si Kris at hindi ako nagkamali,wala rin silang professor pero may sinusulat o kinokopya sila kita kasing may sinusulat sa whiteboard ang class representative nila at sila namang kinokopya kaya sinulyapan ko siya saglit at pagkatapos ay dumiretso na ako sa CR, pumasok muna ko sa cubicle para umihi at ng matapos sa akmang paglabas ko sa cubicle ay biglang laki ng mata ko ng Makita ko si Kris. “uy, wala kayong ginagawa? Sabagay matalino ka na hindi mo na kailangan yun” pambibiro nito sa akin.
“may activity lang na pinagagawa may meeting daw sila e” siya naman sagot ko at bukas ng gripo sa lababo para maghilamos, nang mapansin kong marumi ang lukid nito at sinabi ko naman sa kanya.
“Syeet! Ano to?” habang tingin tingin ni kris ang kanyang likuran sa salamin.
Habang naghihilamos ako ay siya namang hubad niya ng polo niya laking gulat naman ako dahil hindi ko rin naman expected ng ganun panakaw akong tumitingin sa kanya, manipis ang sando na suot niya kaya medyo kitang kita ang hubog ng katawan niya at ng ibaba ko sa bandang pantalon niya ang tingin ko ay nakaramdam ako ng libog sa pagkakakita ng kanyang alaga na mukhang hindi pa matigas ay ang laki na. napansin ata ni Kris ang palihim kong pagtitig kaya’t nagwika ito ng..
“oh! Nakita at nahawakan mo na naman katawan ko diba? Bakit parang gulat na gulat ka?” pabirong pa nitong bigkas na may kasamang ngiti habng pinapagpag ang dumi sa polo niya.
Hindi ko alam pero parang binatukan ako sa sinabi niya, pagkatapos ay binilisan ko ang paghilamos at pagpunas sa mukha ko. akmang palabas na ako ng CR ng bigla nitong hawakan ang kamay ko at hila sa akin, “tulungan mo naman ako” sambit niya. “huh? san kita tutulungan?” pagtatanong ko naman. Halos kinakabahan ako ng mga oras na yun feeling ko kasi pilosopo ang pagsabi niya kanina, “oo nga’t nahawakan at nakita ko na yan, pero tarantado ka ba mahal kita kaya gusto ko yung nangyari”, mga salitang pilit na sinisigaw ng mga utak ko, maya maya ay kinuha niya ang panyo at nagpapunas ng pawis sa likod.
“ha? Baka may makakita satin ano pa isipin.” Siyang pagtutol ko naman
“parang punas lang nakita nila, sige pag may nakakita satin, hahalikan kita para may isipin talaga sila” siya namang lokong sagot nito at bigay ng isang ngiti, “joke lang. patulong na kasi” dagdag nito.
At syempre pinunasan ko ang likod niya, habang pinupunasan ko likod niya ay naamoy ko ang bango ng pawis niya, kumabaga kahit pawis siya ang bango parin ng amoy sa ganung posisyon ay parang gusto ko yumakap sakanya at humarap siya sa akin, para bang gusto ko na may mangyari sa amin sa CR na yun pero siyempre binilisan ko dahil sa takot narin na may makakita. “ayan okei na” sambit ko at akmang palabas na ako ng CR ng bigla niyang tinawag ako na siya namang biglang lingon ko, pinaalala niya lang na ihahatid niya ako pauwi at ngumiti naman ako at sabing sa tambayan na maghintay.
Pagbalik ko sa klase ay halos tapos na ang lahat, at ipinasa na nila sa akin, lagpas 2pm na ay pumunta ako ng faculty para isubmit ang mga papel. “sige, pwede na kayo umuwi mukhang matatagalan ang meeting” wika ng aming professor at kaya naman binalita ko ito sa kanila at as expected tuwang tuwa ang lahat yung iba uuwi na sa bahay meron namang iba ay mag grogroup study daw at niyayaya ako. Siyempre alam mo buhay mag-aaral yang group study na yan sa umpisa lang yan kapag nagkatagalan inuman yan sa bandang huli, agree?
At halos nag uwian at umalis na iba at may ilan ilan din naiwan at nagkwentuhan ng sawayin kami nung mga taga linis ng janitor na bawal nga pala tumambay sa loob ng classroom kung wala ng klase, “uy, paano ba yan, uuwi na lang ako hindi pwede mag mall ngayon at walang budget hindi pa nagbibigay si mudra ng allowance e” sambit ni Cess.
At naiwan nga ako mag-isa, naisipan ko namang magpaalam na lang kay Kris dahil medyo matatagalan pa kung hihintayin ko pa sila kaya naman pumwesto ako sa labas ng classroom nila at hinihintay na mapansin ako niya ako, may ilang minuto rin akong parang tanga ata na palakad lakad dun at ayun lumabas na nga siya at ng lumabas ay sumipol at dumiretso sa CR na siya namang sinundan ko.
“Kris, next time mo na lang siguro ako ihatid.” Pagsasaad ko
“ha? Labo naman ata e pumayag ka na kanina dalawang beses pa nga natin pinag usapan na ihahatid kita ngayon e” wika naman ni Kris
“Kasi pinauwi na kami, kung hihintayin pa kita matatagalan ka pa” siya namang paglalahad ko
“uwian niyo na? teka isip muna ko gagawin” habang nag-iisip ay siya namang kulit ko na next time na lang, hanggang sa dumating siya at nagtanong ng “bakit ba pinagpipilitan mo na next time, gusto ko nga ngayon e. may kasama ka bang uuwi na importante?”
“ako na lang naiwan, wala na akong kasama” sambit ko kay Kris
“sige, ganito hintayin mo na ako sa tambayan at kukunin ko lang ang gamit ko para umuwi na tayo ng sabay” wika ni Kris
“ha? Di ba may ginagawa pa kayo?” pagtatanong ko naman
“May kinokopya lang naman kami, wala parin attendance so pwede pa ako umalis at absent ang mailalagay sa akin, kokopya na lang ako kay Stephen ng Notes ito pa lang naman din absent ko sakanya, sige baba ka na hintayin mo na ako sa tambayan” pag uutos naman nito at sabay alis siya at ako naman ay sumunod at bumaba na para hintayin siya sa may tambayan sa labas ng university.
At mga ilang minutong nagdaan ay nakita ko na ang sasakyan niyang papalapit sa akin. Huminto siya at saka ako ay isinakay.
ITUTULOY…..
No comments:
Post a Comment