Thursday, October 7, 2010

PAG-IBIG: Mapaglarong Tadhana (part 4)





Jhay Ceja
http://http://bitsofemjhay.blogspot.com/
jhayceja@yahoo.com

BATIAN PORTION:

maraming maraming salamat uli sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng PAG-IBIG: Mapaglarong Tadhana
at sa mga nagcocomment. maraming salamat po talaga, kayo ang dahilan bakit ginaganahan :)
naiinspire kasi ako pag maraming comments, SALAMAT PO! :)

sana magcomment si kuya mike, kasi idol ko yun sa paggawa ng stories.heheheh!

again, comments, suggestion and reactions are highly appreciated

salamat po ng marami...


-----------------------------------------------------------------------------



“Sige, sunod na ako, maghilamos lang ako” sigaw sa taong kumatok sa pinto na siyang nang gising sa isang magandang panaginip. “Lintek talaga tong katulong na to, kumatok pa, hindi niya baa lam na ang ganda ganda ng panaginip ko para kumatok sa kwarto, BUSEEEEET, grrrrrr” inis na sinasabi ko sa sarili ko. Matapos maghilamos at magpalit ng damit ay diretso na ko sa baba para mag agahan.


“Nak, samahan mo ako mag grocery mamaya, hindi kasi pwede kapatid mo dahil may make up class daw siya mamaya.” Ang utos ng ni mama habang paupo pa lang ako sa lamesa.


“Okei, wala naman kaming pasok ngayon rest day din kasi, pero pwede after lunch na lang?” sabay kuha ko ng kape at gumawa ng sandwich.  Nasa unang subo palang ako ng sandwich nang bigla akong napangiti naalala ko kasi sa panaginip ko ang sandwich na binigay ni Kris sa akin.


“oh? Anong nginingiti mo diyan? Para kang siraulo.” Pang-aasar pa sa akin ni Mama.

“Masama ngumiti?” sabay tawa naman kami at ng matapos ang sandwhich at kape ay tumungo na ako sa kwarto upang magpahinga, binuksan ko component at nagpatugtog.

When I was younger I saw my daddy cry
And curse at the wind He broke his own heart
And I watched As he tried to reassemble it
And my momma swore that She would never let herself forget
And that was the day that I promised I'd never sing of love
If it does not exist
But darling,
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
Maybe I know, somewhere Deep in my soul
That love never lasts And we've got to find other ways
To make it alone Keep a straight face
And I've always lived like this Keeping a comfortable, distance
And up until now I had sworn to myself that I'm
Content with loneliness
Because none of it was ever worth the risk
Well, You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
I've got a tight grip on reality But I can't
Let go of what's in front of me here
I know you're leaving In the morning, when you wake up
Leave me with some kind of proof it's not a dream
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
You, are, the only exception
And I'm on my way to believing
Oh, And I'm on my way to believing
Habang tumutugtog ang kanta ay siya naman ako sa pag-iisip, hindi ko rin alam kung ano ang iniisip ko pero ang alam ko lang ay tungkol ito sa pag-ibig. Nasa ganung pag-iisip din ako ng sumagi sa utak ko si Van, ang unang lalaking minahal ko ng sobra sobra. “kamusta na kaya siya? Pagnagkita kaya ulit kami may mararamdaman pa ba ako sakanya? Siya kaya?” mga katanungan na biglang sumagi sa isip ko.  maya maya ay bumaling ako sa aparador at naiwan ko pala itong nakabukas marahil ay nung kanina bago ako mag agahan ay nagpalit ako ng damit ngunit may isang dmait na pumukaw ng aking atensyon, ang kulay asul berdeng polo shirt na lacoste, ang unang regalo na natanggap ko kay Van. Tumayo ako, tinungo ang aparador at tinungo ang aparador para kunin ang damit, habang pinagmamasdan ko ang polo shirt ay siya ring bulong ko sa sarili ko, “nagpaparamdam ka na naman. Alam mo sigurong mapapalitan ka na pag nahulog ako ng todo todo kay Kris. Hindi ka narin naman babalik, kaya hayaan mo na ako.”  At ibinalik ko na ulit ito sa aparador ng biglang mag ring ang Cellphone ko, kaya naman tinungo ko ang kama kung san ko ito iniwan.


Tinignan ko kung sino ang tumatawag at si Cess lang pala. “Yes, Bitch? What can I do for you?”


“Maka Bitch ka naman parang wala ng bukas! San lakad mo today Papa Vince?”


“grocery kami maya ni Mama and siguro tingin din ako ng mabibili sa Mall and stop calling me Papa Vince, hindi ko ma take!”


Tila naman natuwa ito ang tumawa muna bago siya magsalita, “arte arte mo my friend! Hindi bagay, sasabihin ko lang sana sayo na wala tayong minor bukas kaya 1pm pa ang pasok, nagtext sakin si Sir”


“nilandi mo na naman si Sir kaya walang pasok, sabi ko naman sayo huwag ka makipag SOP sa kanya, nakakdiri ka” at binigyan ko rin siya ng tawa.


“kaw kasi ayaw mo pa ako payagan makipag SOP sayo kaya ayun pinatulan ko na for the sake of the class din.”


“sige, ikaw na Cess! Leche! Huwag ka may kasalanan ka pa sakin, hindi ko pa nakakalimutan.”


“Friend naman, sayong sayo na si Kris, lamunin mo titi niya kung gusto mo, ubusin mo pa” sambit ni Cess na may kahalong biro at ayun kung san san na kami napunta, pagkatapos ay inaliw ko na lang sarili ko, nanuod ng TV at inilipat to kung san sang channel ng wala na talagang magawa ay binuksan ko na lang ang Computer at nag Friendster, naglaro ng kung anu-anong games.


Mga may 3 oras din siguro yun at nagyaya na silang mag tanghalian at pagkatapos ay nag-ayos na kami ni Mama para umalis na at mag grocery.


“Ano plano mo after your graduation Vince?” pagtatanong ni Mama nung kami’y medyo nakalayo na sa bahay.


“Magtake ng Board Exam” sagot ko naman.


“I mean, after you pass the board magvovolunteer ka ba or mag exam agad pang ibang bansa?” pangungulit ni Mama


“Ma, hindi ko pa alam gusto ko munang isipin ngayon ay ang graduation at board after nun siguro I want a  month break” ang sagot ko naman. Kakapagod nga naman aral na naman ang nasa isip, gusto ko ma relax din kasi muna after graduation at nahinto ang usapan natahimik din si Mama ngunit bumalik agad siya ng tanong “nga pala tanong ng tito mo kung ano gusto mong gawin sa grad party mo?” hindi ako nakasagot at nagkimpit balikat na lang ako na nagpapahiwatig ng hindi ko rin alam, hiwalay nga pala ang mga tunay kong magulang parehas silang may sariling asawa na at nagkaroon na ng 2 anak ang tatay ko sa bago niyang asawa at 1 naman sa nanay ko at sa bago nitong asawa pero 4 kaming tunay na magkakapatid. Maayos naman ang relation ng step dad ko sa tunay kong tatay and vice versa with my mom.


Sa aming 4 na magkakapatid ako ang pangatlo ang una ay Kuya Vladimir matanda siya sa akin ng 5 taon at kasalukuyan sa bangko nagtratrabaho. Sumunod si Ate Venice na 3 taon ang tanda sa akin at kasalukuyang teacher. Ako ang pumangatlo at ang bunso ay si Victor matanda ako sakanya ng 3 taon. Okei naman ang relasyon naming magkakapatid sa isa’t isa pero sa kampihan kaming dalawa ni kuya Vlad ang magkakampi at si Ate Venice at Victor ang magkakampi. Sakanya rin ako humihingi ng extra baon, at dahil sa mabait ito binibigyan niya naman ako pero lately humihingi narin ako kay ate Venice kaya lang masyado siyang mautak may ipapagawa muna yan bago niya ako bigyan ng pera. Cruelty!


At nakarating na nga kami sa Mall sinabihan ko si Mama na susunod ako sa supermarket at may bibilhin lang akong pabango at Tshirt pero siyempre nanghingi muna ako ng pandagdag dahil wala pa naman ako trabaho kahit na naghingi na ako sa dalawa kong kapatid na pambili nito at tumungo na nga ako sa pupuntahan ko pagpasok ay naghanap na agad ako ng shirt ng makapili ay dumiretso naman ako sa perfume section nila, inisip ko kung bibili ba ako ng dati o magpapalit ako ng may biglang kumalabit sa akin na siya naman bigla kong tinignan at biglang ko ring hinto sa ginagawa ko. Si kris lang naman kasi ang nakita ko.


“oh! Para ka atang nakakita ng multo?” sabay bigay ng isang ngiti na siya naman din ikinaalakas ng kabog ng aking dibdib.


“ah! Wala hindi ko lang expect na magkikita kita rito.” Padepense ko namang sabi


“Bakit? Bawal ba ako pumunta sa Mall na ito?” pagtatanong naman ni Kris na at sabay kamot ko ng ulo at wikang, “hindi naman, ang layo lang ata kasi ng napadpadan mo.” Pero hindi niya sinagot ang tanong  ko at ibinalik ko na lang sa paghahanap ng bagong pabango.


“ano nga pala ginagawa mo rito? Bakit hindi mo kasama si Cess?” pagtatanong niya.


“Buset kang Cess ka! Hanggang dito ikaw ba naman hinahanap nitong taong toh! Grrrr” ang nais isigaw ng utak ko. “ kasama ko si Mama iniwan ko siya sa grocery pero babalikan ko siya inawhile. At si cess hayaan mo namang pagwalang pasok na hindi kami magkasama lagi na lang kami magkasama at ng kahit papano mamiss mo siya.” Pasarkastiko kong sagot. Hindi ko alam kung san nanggaling ang sinagot kung iyon, ang weird na halata niya ata na nainis ako sa paghahanap niya kay Cess ngunit iniwanan niya lang ako ng ngiti. “oh ikaw sino kasama mo? Hindi mo ba kasama syota mo, walang pasok dapat siya kasama mo ngayon?” pagtatanong ko.


Bigla naman siyang tingin sakin at sambit na “wala po akong syota” at sabay iwan ng isang ngiti na siya namang ikinasaya ng utak ko.


“ah ganun ba? Bakit wala kang syota? Sa gwapo mong yan at sa sandamukal mong admirers wala ka pang napipili?” pag-uusisa ko naman.


“sabihin na nating may hinihintay lang ako, sana nga maging kami” sagot ni Kris


Hindi ko alam ang isasagot ko ng biglang lumabas sa bibig kong hindi ko sinasadya, “si Cess ba ang hinihintay mo?” seryosong tanong ko naman at binigyan niya naman ako ng isang nakakaloko at misteryosong sagot “sa nangyari tingin mo isang katulad ni Cess ang hanap ko sa ngayon.” Naaninagan ko namang nakikinig sa amin ang 2 staff at binaling ko ang tingin ko sa kanila.


“Ah sir nakapili na po ba kayo?” tanong nung isang staff


“ah wait pinagpipilian ko pa tong dalawa” sambit ko habang hawak yung dalawang pabango. “amuyin mo nga mga to, tapos sabihin mo kung alin dito sa dalawa ang okz” paghihingi ng tulong ko kay Kris.


At inamoy ni Kris parehas, “Ayos naman silang dalawa pero siguro dun ka dapat sa gusto mo na, kung yung luma parin ang gusto mo huwag sanang dumating yung araw na panghinayangan mo na bakit hindi yung bago ang pinili mo at kung yang bago ang pinili mo dapat sure ka na ayaw mo na talaga dun sa luma baka kasi sa susunod pagnaubos yang bagong binili mo e babalik Karin pala dun sa luma.” Ang wika ni Kris


“kris, nosebleed ako sayo” at sabay iniwanan ko ng tawa ang sinabi niya pero infairness may laman ang sinabi niya hindi ko nga lang malaman ano ang gusto niya ipahiwatig at yung bago na nga lang ang pinili ko.


Paalis na ako ng bigla akong hinila ni kris at nagsabi na “oh hintayin mo naman ako, magbabayad na lang ako.” “Oo nga hintayin kita sa labas” palusot kong sinabi sakanya at naglakad na nga ako sa labas ng stall para hinatyin siya at ng matapos siya ay napagdesisyunan niyang samahan ako pabalik kay Mama.


Habang naglalakad ay tahimik kaming dalawa at binasag ito ng katahimikan at napuno ng kakiligan ng magtanong siya ng..


“anong oras pasok niyo bukas?”


“1pm pa, wala kasing minor sa umaga pero malamang bago mag 11am andun na ako sa tamabayan, tetext ko si Cess bukas para sabay na kami mag lunch.” Sagot ko


“lahat naman ata walang minor bukas e, sabay na lang ako maglunch sainyo bukas pwede?”


“kaw bahala, kitain mo na lang kami ni Cess Bukas sa tamabayan”


“sige, oh paano dito na lang ako baka isipin ng mama mo manliligaw mo ako pag nakita niya ako” at sabay tapik ni kris sa likod ko


“sira ulo, bakit pumapatol ba ako sa lalake at nasabi mo yan?” tanong ko naman. Paalis na siya ng pinoint niya ang ilong niya at tinuro niya ako para bang naamoy kita ang ibig sabihin niya. “syeet! Bi din siya” ang sambit ko sa sarili nung panahon na yun ay umalis na siya ng tuluyan at tinanaw ko ang kanyang paglalakad. Lalaking lalake talaga siya ganun kasi ang type ko hindi halatado.


Ang saya saya ko nung mga sandaling iyon ang mga pag-uusap namin ni kris ang ilang beses pumasok sa isip ko  habang kasama si mama mag grocery at wala akong ginawa kundi ang mangiti. Pero pinanghinayangan ko lang ay ang hindi kami nag exchange ng number dun na naman ako naasar “baka hindi ako type ni kris, baka gusto niya lang ako makilala, nakakaasar”


Natapos din kami mag grocery at nakauwi na ng bahay at simulang inayos ang pinamili at maya maya ay umakyat ako sa kwarto para ikwento kay Cess ang naganap, na nakita at nagkausap kami ni Kris.


“friend, nagkita kami ni kris! Grabe kinikilig ako”pabungad ko agad kay Cess
“ha? Eh kausap ko siya kaninang umaga dalawang beses pa nga eh bago at after kita makausap, sabi niya baka bahay lang daw siya.” Sagot ni cess


“huwag kang kontra dahil magkasama kami kanina, uber kilig nararamdaman ko Cess. Lalo niya ako pinakikilig at pina-iinlove sa kanya” ang excited at kinikilig na sambit ko sakanya


Natigilan si Cess at halatang may iniisip, “alam mo sabagay kasi kanina nagtanong siya nung unang tawag niya na ano daw plano ko nung sabi ko sa bahay ikaw naman tinanong niya nung sinabi kong hindi ko alam at tawagan kita inawhile bigla siya nag goodbye at tatawag daw ulit at nung tumawag siya for the second time at nagtanong kung ano balak mo sinabi ko naman na mag grocery kayo ng mama mo.” Sambit ni Cess


Na siya namang ikinahinto at ikinaisip ko rin “teka paano nga pala kayo nagkapalit ng number?” pagtatanong ko


“ah nung binigyan niya ko ng art paper hiningi niya number ko at sinulat ko naman dun sa isang art paper na hawak niya” pagexplain naman ni Cess


“anyway, pasok ka maaga bukas sabay na tayo mag lunch kasi wala naman din ako makakasabay bukas dito sa bahay.”


“naku my friend, hindi ako pwede sabay sabay kaming kakain nila mama bukas sa labas, Sorry” sambit ni cess


“ha? naku paano yan sabi ni Kris, sabay daw siya sa atin pumayag naman ako dahil kasama ka, Cess, please ayoko maging awkward bukas. Matatameme ako” pakiusap ko naman kay Cess


“ayos lang yan, text mo na lang kris na kayong dalawa na lang, hindi rin kasi ako pwede talaga bukas, dahil minsanan lang maganap sa weekdays ang sabay kami maglunch ng buong family” paliwanag naman ni Cess


“text? Hindi ko alam number niya, text mo nga kung okei lang if kaming dalawa na lang kasi sabihin mo reason mo, baka mamaya isipin nun hindi kita pinapasama”


“sige na nga basta bukas dapat nag exchange number na kayo ha” panloloko naman ni Cess


Natapos ang usapan namin pero halos kiligin ako ng malamang kaming dalawa lang ni Kris at hindi makakasama si Cess, grabe ang kilig na nararamdaman ko. “Saba bukas na” ang sigaw ng utak ko ng biglang may kumatok “ayan na naman tong katok na to pumipigil sa lahat kasiyahan ko” at tinungo ang pintuan at buksan.


Lolokohin ko sana at gugulatin ng ako ang mismong ginulat sa pagbukas ng pinto, si Kuya Vlad lang pala, sinabihan akong bumaba at may dala siyang paborito kong Krispy kreme baka daw maubusan ako at dumating narin pala ang mga kapatid ko at sinundan ko narin siya pababa.

“how’s your retreat nga pala?” pagtatanong ni kuya Vlad


“ayos naman , not just like any other retreat” bigla naman akong nadulas pero baka batukan ako ni Kuya, kapag sinabi ko ang totoo kaya naman nag alibi na rin ako ng “kasi naman last retreat na siguro to dahil next year work work na”


“oo nga naman, andiyan pala Girlfriend ko be nice to her a!” sambit ni kuya Vladz


“lague naman ako nice sa lahat ng Girlfriend mo kuya ikaw lang ang hindi nice sa mga syota ko” sabay tawa naman ang ibinigay ni Kuya sa sinabi ko. alam kasi ni kuya na Bi ako nahuli niya kasi kami ni Van noon sa mall na magkaholding hands, kaya ayun. Pero hindi nabago ang pagtrato niya sakin ang tanda ko lang na pangaral niya sa akin ay…


“oh! Ang daming may HIV ngaun sa mga Bi, kelangan safe sex kayo a”


Pero hindi naman kasi humantong sa ganun ang samin ni Van. After din kasi noon naging close si Van sa Family ko kaya’t boto si Kuya kay Van marahil ay dahil kahit Bi ito ay lalake parin ang kilos at pananalita, pusong babae nga lang ika nga niya at ayaw din kasi ni Kuya na mag ladlad ako ng tuluyan kaya nga minsan binibilhan ako ng porn CD ni kuya yung pang straight siguro umaasa ito na maging straight pa ako. Sayang nga naman, ang gwapo ko kaya kahit sino sinasabi sakin yan. Matalino pa, siguro marahil lahat naman ng Bi ngaun gwapo at matatalino, mas matatalino pa sa mga straight. Minsan nga rin iniisip ko ang sinasabi nilang “ruler na lang ang straight sa mundo,” kung ganun ang dalawa kong kapatid na lalake ay may karanasan na din sa kapwa lalake, huwag naman sana. Ewan ko pero ayokong ganito sila ang gusto ko hanggang sakin lang.


At ayun lahat kami ay nagkwekwentuhan na sa sala at kinakain ang pasalubong na Krispy kreme ni Kuya, ang sarap.


ITUTULOY….


No comments:

Post a Comment